381

May 22, 2020 @ 11:51
By

ALAMIN: Sino si ex-OCD Asec. Purisima?

Ayon sa Palasyo, sinibak sa posisyon si Office of the Civil Defense Assistant Secretary Kristoffer James “Toby” Purisima dahil sa “loss of trust and confidence”.

Lahad ni Presidential Spokesperson Harry Roque ngayong Biyernes ng umaga, Mayo 22, agad na epektibo ang pagtanggal sa opisyal.

Ang OCD ang implementing arm ng National Disaster Risk Reduction and Management Council.

Kabilang sa trabaho ni Purisima ang pangangasiwa sa epekto ng mga kalamidad.

“Yung opisina po niya at the forefront of providing assistance ‘pag meron pong mga man-made calamities at meron ding papel ang opisina niya dito sa COVID-19 dahil kabahagi po sila sa government response,” wika ni Roque sa “Unang Hirit” ng GMA-7.

Inatasan kamakailan ang OCD para tumanggap at makipag-ugnayan sa donasyon ng mga medisina at medical supplies sa gobyerno.

Ni-require ni Presidente Rodrigo Duterte noong Abril na dumaan sa naturang organisasyon ang lahat ng mga donasyon sa pambansang pamahalaan.

Bago ito, nanilbihan si Purisima bilang tagapagsalita ng task force sa rehabilitasyon sa Marawi.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?