176
Alamin: Schedule ng ‘tigil tubig’ sa Metro Manila, Rizal
By

Alamin: Schedule ng ‘tigil tubig’ sa Metro Manila, Rizal

Naglabas muli ng schedule ang Manila Water ukol sa water service interruption na magsisimula March 14 at 15.

Araw-araw na ang water interruption na maaaring tumagal ng ilang buwan base sa Facebook post ng Manila Water.

Sa bagong listahan, kasama ang mga lungsod ng Makati, Mandaluyong, Pasig, Pateros, San Juan, Taguig, Marikina at ilang bahagi ng Quezon City at Manila.

Ganito rin ang magiging sitwasyon sa Rizal Province partikular sa mga bayan ng Angono, Antipolo, Binangonan, Cainta, Rodriguez, Taytay, at San Mateo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?