1,846
ALAMIN: Paano malalaman na may boso-cam sa hotel na tutuluyan
By

ALAMIN: Paano malalaman na may boso-cam sa hotel na tutuluyan

Isang eskandalo ang nadiskubre sa South Korea kung saan napapanood nang live sa internet ang mga ginagawa sa loob ng motel ng mga kustomer dahil sa nagkalat na spy camera rito.

Pero paano nga ba makakaiwas na maging biktima nito?

Isang netizen ang nag-post sa Twitter kung paanong malalaman na may mga camera sa loob ng hotel o motel na inyong tutuluyan.

Ani Busola (@Ms_Young_B), pagpasok sa iyong kuwarto sa hotel ay patayin ang lahat ng ilaw dito.

Gamitin ang inyong cellphone camera bilang scanner at libutin ang buong kuwarto maging ang CR ng hotel room.

Made-detect umano nito ang mga hidden camera.

Kapag nakakita ng mga pulang ilaw, ibig sabihin ay may boso camera sa loob ng kuwarto.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?