103

By

ALAMIN: Mga kinain ni Pacquiao bago ang weigh-in

Isiniwalat ni Navotas Mayor Toby Tiangco ang mga pagkain na posibleng nagpapalakas kay Manny Pacquiao bago ang kanyang laban kontra kay Keith Thurman.

Biyernes sa Las Vegas ay sumalang na sa weigh-in si Pacquiao, na tumimbang ng 146.5 kilogram, kaparehas din ng kay Thurman, na swak sa timbang sa WBA -‘regular’ welterweight title clash.

Sa panayam ni Jun Lalin kay Navotas Mayor Toby Tiangco sa Abante News Online show na Anything Goes, ikinwento ng alkalde ang mga nilantakan ni ‘Pambansang Kamao’ bago ang big fight.

“Lunch time ang kinain namin ay nilagang baka… scrambled eggs, may afritada,” ayon kay Tiangco.

“Kanina after the weigh-in ang kinain niya bulalo, kasama ng bulalo is yung chicken kebab, tapa, tapos may gulay syempre, may ampalaya, at hard boiled eggs,” sey pa nito.

Saad pa ng Navotas mayor, hindi siya pumupusta sa mga laban ni Pacquiao at nasa Las Vegas lang para suportahan ang kanyang kumpare, na inaanak ang bunso ni Pac-Man na si Israel.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?