55

By

Alamin: Mga Kapamilya star na kinampanya si Duterte

Ilang Kapamilya artist na kaya ang nagsalita sa pagbakod ng administrasyon sa ABS-CBN franchise renewal?

Ito’y sa kabila ng pagkampanya nila kay Pangulong Rodrigo Duterte noong 2016 presidential elections, na isa sa mga kumokontra sa franchise renewal ng Kapamilya network dahil sa hindi umano pagpapalabas ng mga campaign advertisement nito.

Ilan dito ay sina comedian Jayson Gainza, Star Circle Quest alumni Joross Gamboa at Aga Muhlach.

Kung titingnan ang kanilang mga Instagram at Twitter account, tikom ang tatlo sa nasabing isyu, walang post tungkol sa ABS-CBN franchise renewal.

Habang si JC De Vera naman ay nag-retweet ng artikulo para idepensa ang franchise renewal ng Kapamilya network.

image.png
Nagpasalamat naman si Angelica Panganiban, na isa sa mga supporter ni Duterte at dumalo pa sa mga kampanya nito, sa mga nagdadasal para sa renewal ng prangkisa.


Si Julia Barretto naman, na makikitang ginagawa ang Duterte fist bump noong eleksyon bilang pagsuporta sa Pangulo, ay nag-post ng ABS-CBN logo na may black background sa Instagram para makiisa sa protesta kontra sa quo warranto petition case na hinain ni Solicitor General Jose Calida.


Kinwento naman ni Piolo Pascual kung papaano siya nabago ng ABS-CBN.

“Family has always been my anchor, mula nung nagsisimula ako as an on-cam talent until now when I also produce content off-cam. Fortunately, I found another family in ABS-CBN – fellow artists who are now my friends, my mentors, and the many people behind the scene. Kung wala sila, wala din kami,” ayon kay Piolo.

“That’s why I’m praying everything turns out well and ok. At para sa mga tao who give their best every day to inform, to entertain, and to give us hope.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?