279

Feb 20, 2020 @ 11:29
By

Alamin: Detalye ng posibleng kasalan nina Sarah, Matteo

Instant trending agad ang power couple na sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli matapos umugong ang balitang posibleng ikasal ang dalawa ngayong Huwebes, February 20.

Ayon sa nakalap na impormasyon mula sa source ng Abante, posibleng mamayang alas-1:30 ng hapon maganap ang kasalan nina Matteo at Sarah G.

Saad pa ng source, posibleng Christian wedding sa Victory Church ang pag-iisang dibdib ng dalawa.

Lumutang ang nasabing isyu matapos i-report ng entertainment editor na si Ricky Lo na ngayong araw ay nakatakdang magpakasal ang dalawa, na kinumpirmang engaged noong nakaraang 2019 lang.

Ngunit pumalag ang ilang mga fan na sinasabing nasa shooting ngayon si Sarah G. ng ‘The Voice Teens’ kaya’t malabong ngayon ang kanyang wedding.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?