229

By

Alamin: Dapat malaman tungkol sa polio

Inanunsiyo ng Department of Health (DOH) noong Huwebes ang muling pagkakaroon ng polio outbreak sa bansa.

Dalawang kaso na nito ang naitala. Isa sa Lanao del Sur at isa sa Laguna.

Narito ang mga dapat na malaman tungkol sa nabuhay na disease sa Pilipinas.

Ang Poliomyelitis (polio) ay isang highly infectious viral disease, na kalimitang nabibiktima ay mga bata.

Nakakahawang sakit ito, na karaniwang umaatake sa nervous system ng isang tao.

Ilan sa sintomas ng pagkakaroon nito ay:

· Pananakit ng ulo

· Lagnat

· Stiff neck

· Matinding pagkapagod

· Pagsusuka

· Paninigas ng leeg at braso

· Pamamaga ng lalamunan

Ang malalang kaso nito ay maaaring mauwi sa pagkaparalisa o kamatayan.

Sinumang hindi nabakunahan ng anti-vaccine ay mataas ang tsansa na magkaroon ng polio.

Mas mahina sa virus ang mga batang edad 5 pababa.

Naunang kumalat ang polioviruses sa pamamagitan ng dumi o feces o sa fecal–oral route, na kadalasan ay sa pamamagitan ng pagkain, tubig o anumang bagay na kontaminado ng dumi na mula sa infected person.

Huling naitala sa Pilipinas ang wild poliovirus noong 1993.

Idineklara namang polio-free ang bansa taong 2000.

Pero makalipas ang 19 taon, muling idineklara ang pagbabalik nito sa bansa.

Ayon sa DOH, walang lunas o gamot sa polio, maaari lang itong maiwasan sa pamamagitan ng pagpapabakuna laban dito.

Maliban sa bakuna, ilan pa sa paraan para maiwasan ito ay ang pagkakaroon ng: good personal hygiene, regular na paghuhugas ng mga kamay, lalo na kapag galing sa banyo, uminom ng ligtas na tubig at lutuing mabuti ang mga pagkain.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?