123

By

Alamin: Best Action Movies ng 2019

Naglabas ng listahan nila ng mga magagandang action movies nitong 2019 ang isang American review-aggregation website for film and television.

Nanguna sa kodigo ng Rotten Tomatoes ang “Shadow” na pinagbidahan ng mga Chinese actor na sina Chao Deng, Sun Li, Ryan Zheng at Qianyuan Wang.

Kuwento ito ng isang matalinong heneral na bumuo ng plano para manalo sa kalabang kingdom. Ginamit niya rito ang kanyang asawa, ka-look-alike at dalawang hari.

Sinundan ito ng “Kingdom” na isang Japanese action adventure film. Adaptation ito ng manga series.

Istorya ito ng isang bata na si Li Xin na nangarap maging heneral.

Pumangatlo lang ang blockbuster na “John Wick: Chapter 3 – Parabellum” na pinagbidahan ni Keannu Reeves, na isang super-assassin, na nagsanga-sanga ang problema matapos niyang ipaghiganti ang kanyang aso.

Samantala, narito ang Top 10 sa listahan ng Rotten Tomatoes:

1. Shadow (drama/historical period drama)

2. Kingdom (drama/action)

3. John Wick: Chapter 3 – Parabellum (thriller/mystery)

4. Master Z: IP Man Legacy (action/martial arts)

5. Triple Frontier (drama/thriller)

6. Cold Pursuit (drama/thriller)

7. Triple Threat (thriller/action)

8. Fast & Furious Presents: Hobbs & Shaw (mystery/action)

9. The Kid (drama/adventure)

10. Angel Has Fallen (thriller/action)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?