2,068

Feb 12, 2020 @ 15:52
By

ALAMIN: Angel Locsin, Vic Sotto, Kris Aquino, Angelica Panganiban malulugi sa pagsasara ng ABS-CBN

Ilan lang sina Kapuso actor Vic Sotto at Kapamilya stars Angel Locsin, Kris Aquino, Daniel Padilla, at Angelica Panganiban sa mga pinakamalulugi kapag tuluyang nagsara ang ABS-CBN Corporation.

Sa listahan ng Philippine Stock Exchange (PSE), makikitang kabilang ang mga nabanggit na celebrity sa Top 100 Stockholders ng naturang TV network.

Nangunguna rito ang Lopez, Inc. (may total shares na higit P480 milyon) at ang PCD Nominee Corp. (higit P352 milyon).

May stocks din sa ABS-CBN sina singer-negosyante Jose Mari Chan, Ice Seguerra, John Estrada, at dating Philippine ambassador sa Holy See at Malta Howard Dee.

Lunes ng umaga, Pebrero 10, 2020, nang maghain si Solicitor General Jose Calida sa Korte Suprema ng isang “very urgent omnibus motion” para ipawalang-bisa na ang prangkisa ng ABS-CBN, na umano’y nagsasagawa ng “abusive practices” at lumabas sa mga patakaran sa prangkisa.

Matatapos ang prangkisa ng ABS-CBN sa Marso 30, 2020, at nakabinbin pa rin sa ngayon ang mga panukalang batas sa pag-renew ng prangkisa ng TV network.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?