31

Apr 28, 2020 @ 16:23
By

ALAMIN: 5 veterinary clinic sa NCR na bukas pa rin

Pati mga alagang hayop, apektado ng krisis na dulot ng coronavirus disease 2019.

Kaya naman pinayagan ng Department of Agriculture na manatiling bukas ang mga veterinary clinic habang may lockdown sa Metro Manila.

Narito ang ilan sa kanila.

1. Vets in Practice – Pwede ritong magpa-checkup, shot, at groom ng pets. May mga branch sila sa Mandaluyong, Quezon City, Alabang at Fort. Bawal ang walk-in; kinakailangang munang tawagan ang ospital para magpa-book ng appointment.

2. PetLink – Meron silang grooming at medical care service. Bukas ang mga branch nila sa Caloocan, Malabon, at Navotas.

3. Vetlife Animal Clinic – Para sa mga emergency at grooming services. May mga branch sila sa Pasay, Makati, at Parañaque. Paalala nila, “no mask, no entry.”

4. Animal House Veterinary Clinic – Bakuna para sa mga tuta, critical care, at mga emergency case lang muna ang inaasikaso nila. Bukas sila sa New Manila, Makati, Alabang, at Binondo.

5. Marikina Veterinary Hospital – Bukas sila para sa grooming, emergency, at check-up services. Hindi sila tatanggap ng walk-in; pwede mag-book online o tumawag sa kanilang landline.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?