423

By

ALAMIN: 5 sintomas ng sakit na diphtheria

Lumalaganap na rin ang sakit na diphtheria sa Pilipinas, ngunit ano nga ba ito at bakit ito nakababahala?

Ayon sa Centers for Disease Control and Prevention, isang bacterial infection ang diphtheria na makukuha ‘pag nalanghap ang hanging may bacterium na Corynebacterium diphtheriae.

Kumakapit ang bacterium sa respiratory system ng tao, na siyang nagdudulot ng kahirapan sa paghinga, heart failure, pagkaparalisa, o kamatayan.

Lahat ay maaaring tamaan nito, kaya dapat pabakunahan ang mga bata maging mga matatanda.

Narito ang sintomas ng sakit na diphtheria:

1. Pagkahina

2. Sore throat

3. Lagnat

4. Namamagang glands sa leeg

Kapag tumagal ang lason mula sa bacterium, kaya nitong sirain ang malulusog na tissue sa katawan, na mabubuo bilang makapal na covering sa lalamunan o ilong.

Kaya ring umabot ng lason sa blood stream, na siyang makaaapekto sa puso, mga nerve, at bato.

Sa kasalukuyan, may mga naitala na ang Department of Health (DOH) na kaso ng diphtheria sa Pangasinan at Maynila.

Noong 2018, ayon sa datos ng DOH, may 55 kumpirmadong kaso ng diphtheria sa bansa, kung saan 13 dito ang namatay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?