14,174

Mar 26, 2020 @ 10:06

Aktor pumanaw sa coronavirus

Kinumpirma ni Direk Joel Lamangan ayon sa Facebook post ng isa ring director na si Armand Reyes na pumanaw na ang aktor na si Menggie Cobarrubias dahil sa COVID-19.

Ganito ang mensahe ni Reyes
KATATAWAG NI DIREK JOEL LAMANGAN – “WALA NA SI MENGGIE…” IPAGDASAL PO NATIN ANG KANYANG WALANG HANGGANG KAPAYAPAAN…”

Hindi tinukoy ang sanhi ng kamatayan ng beteranong aktor.

Nagpaabot agad ng pakikiramay ang mga kaibigan sa industriya ng namayapang aktor.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?