24

By

Akon may sarili nang siyudad sa Senegal

Inanunsyo ni “Smack That” rapper Akon na may own city na siya sa Senegal.

Sa Twitter sinabi ni Akon na tatawagin itong “Akon City”.

“Just finalized the agreement for AKON CITY in Senegal. Looking forward to hosting you there in the future,” tweet ni Akon.

Nauna nang binalita ni Akon ang plano niya para sa “Crypto city” noong 2018.

Itatayo raw ang lungsod sa may 2,000-ektaryang lupa na niregalo sa kanya ng President of Senegal na si Macky Sall.

Magkakaroon din ng sariling digital cash currency ang “Akon City” na tatawaging Akoin.

Limang minuto lang umano ang biyahe patungong “Akon City” kung magmumula sa West African state’s new international airport.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?