253

By

Ako ang tunay! NBA star napansin ang Spiderman ng PBA

Umabot na rin hanggang NBA ang ginawa ng isang lalaki matapos itong pumasok sa PBA court suot ang Spiderman costume.

Sa tweet ni Utah Jazz guard Donovan Mitchell, kanyang ini-repost ang video ng panggugulo ng lalaki na nanggulo sa PBA, sabay patama na siya umano ang tunay na ‘Spidey’.

“Real one,” sabi ni Mitchell habang may gagamba at sapot na emoji.

Si Donovan ay ang dating naging katunggali ni Ben Simmons para sa 2018 NBA Rookie of the Year, at may moniker na “Spida”.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?