26

By

Akhuetie, UP pinaamo ang UE

Nilimitahan ng University of the Philippines (UP) Fighting Maroons sa apat na puntos lang ang main gunner ng University of the East (UE) Red Warriors na si Rey Suerte tungo sa 62-56 ikatlong sunod na panalo sa UAAP Season 82 men’s basketball tournament sa Ynares Center sa Antipolo City kahapon.

Dinomina ni Bright Akhuetie ang ilalim, humarabas ng 16 marka, limang caroms at tigatlong assists at agaw para ibigay sa Fighting Maroons ang ikaapat na panalo sa limang laro.

Katuwang ni Akhuetie sina Javi Gomez de Liaño na may 15 marka at tatlong boards, habang hindi rin nagpahuli si Kobe Paras na kumulekta ng 12 points, 10 rebounds, three blocks at two assists.

Agad nagpasiklab ang Diliman-based squad, 27-39, sa pangunguna nina Akhuetie at de Liano pero naibaba ito sa isa ng UE, 56-57, sa final canto.

Pero nagsalpak ng pamatay na tres si si Jaydee Tungcab para sa Maroons upang lumayo ulit 60-56.

Tanging si Senegalese Alex Diakhite ang nakaporma para sa Red Warriors sa tinipang 21 markers at 17 rebounds pero kapos ito kaya laglag sila sa 1-4 karta.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?