75

By

Akhuetie sinandigan ng UP kontra NU

Wagi ang UP Fighting Maroons kontra NU Bulldogs, 82-71, sa UAAP Season 81 men’s basketball tournament sa Ynares-Center Antipolo, Sabado, Nobyembre 3.

Nagpakawala ng 17-2 run ang UP sa second at third quarter upang maungusan ang NU, 48-32.

Bagama’t pumalag sa clutch si Dave Ildefonso sa fourth period sa 56 seconds na nalalabi, 78-71, tinuldukan na nina Paul Desiderio at Gelo Vito ang laro mula sa kanilang final basket.

Nakaangat na sa solo fourth spot ang UP mula sa kanilang 6-5 na kartada, at buhay na buhay pa ang kanilang pag-asa na makapasok sa Final Four.

“We cannot settle here. We have a very, very important game next weekend,” sabi ni UP head coach Bo Perasol na nais talunin ang UST sa susunod na Sabado.

Pumuwersa ng 21 points at 10 rebounds si Bright Akhuetie, habang si Desiderio ay may 12 markers, four boards, at four assists.

Ipinamalas muli ni Juan Gomez De Liaño ang kanyang all-around game sa kanyang 10 points, nine rebounds, at seven assists, habang si Vito ay nag-ambag ng 10 markers.

Sa NU naman, nanguna si Ildefonso mula sa kanyang 24 points at six rebounds.

Bumagsak sa seventh spot ang NU kung saan may hawak silang 3-8 na kartada.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?