1,916
Akbayan member: Imee Marcos echosera, walang ambag sa SK Reform Act
By

Akbayan member: Imee Marcos echosera, walang ambag sa SK Reform Act

Umalma ang isang miyembro ng Akbayan party-list sa naging sagot ni Ilocos Norte Governor Imee Marcos sa senatorial debate na isa siya sa nagsulong at tumulong sa pananaliksik sa bagong SK Reform Act na naging daan sa kauna-unahang anti-dynasty provision.

Mariing iginiit ni Jeff Crisostomo, miyembro ng Akbayan sa kaniyang tweet sa social media na wala siyang nakitang kahit anong ambag ni Marcos sa naturang batas.

Saad ni Crisostomo, nasaksihan niya ang bawat hakbang na isinagawa sa 16th Congress bilang legis staff ni Rep. Kaka Bag-ao, principal author ng bill kasama si Senator Bam Aquino at walang anumang ambag si Marcos dito.

Sinagot pa ng isang netizen na may user name na @MaeChatto ang naturang tweet at sinabi nitong ni hindi miyembro ng Konggreso si Marcos nang panahong pinroproseso ang batas kaya paano nangyaring nakapag-ambag ito sa paggawa ng anti-dynasty provision.

Dagdag pa ng Akbayan member, noong 2016 elections ay nagsinungaling din ang kapatid ni Imee na si Bongbong Marcos sa Vice Presidential debate nang sabihin nitong ito ang nagsulong ng Sangguniang Kabataan Reform Act na hindi rin umano totoo.

https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=10153634380106523&id=501151522

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?