35

Mar 4, 2020 @ 18:25
By

Akala may COVID-19, misis ikinulong sa banyo ng mister

Sa takot na baka mahawaan siya ng kanyang asawa ng coronavirus (COVID-19), ini-lock ng isang mister ang kanyang misis sa loob ng banyo.

Nakatawag naman ang babae (hindi na pinangalanan) sa mga pulis matapos i-lock sa kanilang apartment ng kanyang mister sa Vilnius, Lithuania noong Marso 2, ayon sa Daily Mail.

Inamin ng lalaki (na hindi rin pinangalanan) sa mga pulis na nagdesisyon siyang ikulong sa banyo ang misis matapos niyang komunsulta sa mga doktor sa telepono kung paanong maiiwasan na mahawaan ng virus.

Ito’y matapos makipagkita ng kanyang misis sa isang babaeng Chinese na kagagaling lang ng Italy, ang sentro ng COVID-19 outbreak sa Europe.

Nang isailalim naman sa mga test, nagnegatibo ang babae sa COVID-19.

Wala namang plano ang babae na kasuhan ang kanyang asawa matapos ang ginawa sa kanya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?