174

By

Akala masungit, mabait pala! Thirdy niregaluhan ng sapatos si Abando

Tingin dati ni UST rookie Rhenz Abando sa mga taga-Atenista ay masungit o snobero, ngunit nagbago ito matapos niyang makilala si Thirdy Ravena.

Matapos ang laban ng Ateneo at UST kung saan nagwagi ang una, 71-70, hinanap agad ni Thirdy ang tubong-La Union na si Abando.

Nang matagpuan, dito na ibinigay ng Ateneo guard ang kanyang pangako kay Abando, isang Nike Freaks 1s at Mars 270 na sapatos.

“Nung D-League, after ng game namin sa Cignal-Ateneo, tinanong niya kung anong size ng sapatos ko,” ayon kay Abando, inalala ang laban ng dalawa bago pa mag-UAAP.

Ngayon ay magiging mortal na magkaribal na sa court ang dalawa, na dati’y pinapangarap lang ng UST newcomer.

“Sobrang nakaka-inspire kasi pinapanood ko lang sila dati sa TV, kalaro ko na ngayon. Gusto mo talagang sabayan,” sey ng transferee mula Pangasinan.

“Ngayon, alam ko nang sobrang bait niya. Akala ko dati, pag Ateneo, snobero, masungit,” saad pa nito patungkol kay Ravena.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?