266

AISIN nakilahok sa ika-13 Manila Auto Salon

Dumalo ang Aisin Seiki Co., Ltd. (AISIN) sa 13th Manila Auto Salon upang i-showcase ang kanilang mga aftermarket product at maging “irreplaceable global partner.”

Kasalukuyang ginaganap ang Manila Auto Salon sa SMX Convention Center hanggang Nobyembre 17, 2019.

Isa ang AISIN sa mga nangungunang Original Equipment Manufacturer sa automotive industry, at pang-anim sa mga pinakamalaking automotive parts supplier, in terms of sales of original equipment parts, sa buong mundo.

Nahahati sa tatlo ang kategorya ng mga binebentang produkto ng AISIN sa Pilipinas, sa pamamagitan ng tanging distributor nito na Riken Motor Sales, Inc.:

Drivetrain-related products, gaya ng clutches, clutch hydraulic cylinders, steering & suspension parts, free wheel hub, at manual transmission;

Engine-related products, gaya ng water pump, oil pump, fan clutch, timing chain cover, fan blade, hydraulic belt tensioner, fan pulley bracket, oil filter; at

Brake-related products, sa ilalim ng “ADVICS” brand, na binubuo ng brake booster, brake master & wheel cylinder, brake disc and pad, brake shoe, brake caliper, caliper piston, at seal kit.

May sinu-supply ding lubricant product ang kompanya, gaya ng engine oil; automatic transmission fluid para sa conventional AT, CVT, at twin-clutch transmission, long life coolant (LLC), gear oil, multi-purpose grease, brake fluid at hydraulics fluid.

Nagtatag na ng opisina sa Manila ang regional head office ng AISIN ASIA Pte. Ltd. (Singapore) para suportahan ang mga partner at customer sa Pilipinas.

Para sa ibang detalye, bisitahin lang ang “AISIN PHILIPPINES” sa Facebook o website na www.aisin.com.sg .

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?