96

Jun 26, 2020 @ 16:24
By

Aiko nagpasaklolo sa PNP

Dumulog na sa kapulisan ang aktres na si Aiko Melendez tungkol sa diumano’y sex video ng kanyang binatang anak na si Andre.

Nagpatulong siya sa PNP para matukoy at mahuli ang nagbantang maglalabas ng sex video ng 21-anyos na si Andre, na may Twitter account na @jakolinks.

“We now have a lead of who this crazy pervert, who caused my son Andre Yllana anxiety!” FB post ni Aiko.

“As i told you don’t mess with any of my loved ones. Especially when we are right! Because we will teach you a lesson that you regret learning,” dagdag niya.

Noong June 25, nagpunta sina Aiko, Andre, at ang nobyo ng aktres na si Zambales Vice Governor Jay Khonghun sa opisina ng Cybercrime Division ng Criminal Investigation and Detection Group sa Camp Crame para magsampa ng reklamong may kinalaman sa cybercrime law laban sa Twitter user.

Maraming Salamat po PLTCOL NICOMEDES P OLAIVAR JR PNP-ACG.. CYBERCRIME
And Gen Agustin sa agaran Action! We now have a…

Posted by Maria Kendra Melendez on Wednesday, June 24, 2020

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?