27

By

Ai-Ai proud sa natanggap na private pilot license ng mister

Happy wife si Ai-Ai delas Alas matapos makumpleto ng mister niyang si Gerald Sibayan ang practical test nito sa Civil Aviation Authority of the Philippines.

Natanggap din ni Gerald ang kanyang private pilot license mula sa Asian Institute of Aviation sa Makati City.

Sa kanyang Instagram post, masayang binati ni Ai-Ai si Gerald.

Aniya, konting kembot na lang ay piloto na ang kanyang asawa.

“TO GOD BE THE GLORY. Congrats darling sa caap checkride and may Private pilot license ka na. Next target CPL (commercial pilot license na). love you and miss you darl #happywife #proudwife #kontengkembotnalangpilotna @asianinstituteofaviation_aia,” sabi ng actress-TV host sa caption.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?