30
Ai-Ai naghahanda na para mabuntis
By

Ai-Ai naghahanda na para mabuntis

Wala umanong pakialam si Kapuso comedienne Ai-Ai delas Alas sa mga nagsasabing imposible na siyang magbuntis.

Ayon sa report, umaasa ang aktres na mabuntis na siya sa Enero 2020.

Sa kasalukuyan ay edad 54 na si Ai-Ai.

Mayroon na siyang tatlong anak, sina Sancho, Sean Nicolo at Sofia.

“Ano bang paki nila, e, hindi naman sila ang magbubuntis. Huwag nang pansinin ‘yung mga ganyan. Basta ako, paghahandaan ko na lang,” ani Ai-Ai sa report ng GMA.

Sa ngayon umano ay sinusubukan nila ang normal na paraan pero kapag hindi kinaya ay baka mauwi sila sa vitro fertilization, na isang proseso kung saan pinagsasama ang egg at sperm.

Kabilang sa ginagawang paghahanda ni Ai-Ai para magbuntis ay ang pagtungo sa gym tatlong beses sa isang linggo sa loob ng isang oras.

Aniya, pinapalakas umano niya ang likod niya para kapag nagbuntis ay hindi siya mahihirapan.

Sa pagkain naman ay tatlong taon na umano siyang kumakain ng organic food.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?