49

By

Ahanmisi nagliyab, Adamson angat sa NU

Tinuldukan ng Adamson Soaring Falcons ang kanilang two-game slide laban sa bisa ng 69-58 na pagpapatahimik sa NU Bulldogs noong Miyerkoles sa second game ng UAAP Season 81 men’s basketball tournament sa Mall of Asia Arena.

Pumutok agad sa unang canto ang Adamson, iniwan ang Bulldogs ng 16 sa iskor na 27-11.

Bagama’t naibaba ni Dave Ildefonso at ng NU sa pitong puntos ang kalamangan sa fourth quarter, 54-47, bumalikwas ng 9-1 rally ang Adamson sa 3:48 mark, 63-48, at hindi na muling lumingon pa.

Balik sa tuktok ng team standings ang Adamson tangan ang 6-2 baraha.

“We are still going to continue with this journey. We are still good, but we are still going to continue playing consistent basketball,” sabi ni Adamson head coach Franz Pumaren.

Nagliyab ng 21 points si Jerrick Ahanmisi mula sa 8-of-13 shooting sa field goal. Nagtala naman ng 16 points at 11 rebounds si Papi Sarr habang nagdagdag ng 11 markers si Sean Manganti para sa Soaring Falcons.

Para sa NU, si Dave Ildefonso lamang ang nakapagtala ng double-digit points mula sa kanyang 21 points at six rebounds.

Muling lumagapak ang NU mula sa kanilang 2-6 na kartada.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?