46

Feb 21, 2020 @ 11:56
By

Aguilar mabibigatan sa pagkawala ni Slaughter

Dahil sa desisyon ni Greg Slaughter, inaasahan na ni Japeth Aguilar na mas malaking responsibilidad sa Barangay Ginebra.

Ngunit asahan naman na magiging handa ang 2019 PBA Governors’ Cup Finals MVP sa magiging role niya sa susunod na season.

“Kailangan kong harapin kung ano magiging role ko this coming all-Filipino conference. May tiwala naman ako sa coaching staff. May pinaplano na siguro sila. Basta kailangan, ready lang. Not only me pero kaming lahat sa team,” ayon kay Aguilar, na nag-average ng 14.73 points, 6.91 rebounds at 1.09 blocks.

Naiintindihan naman ni Japeth ang desisyon ng kanyang partner na si Slaughter, na nakilala bilang ‘Twin Towers’ ng liga.

Saad niya, posibleng may problemang kinakaharap si Slaughter kaya naisip na mamahinga muna sa mundo ng basketball.

“He is probably going through something now. Hindi natin alam. Siya lang nakakaalam. ‘Yun ang naging desisyon niya,” saad nito.

“Kilala ko naman si Greg. I’m friends with him personally. Whatever he is going through, alam niya kung ano ‘yung mas makakabuti sa kanya,” lahad pa. “For sure, mas mahirap.”

Sa ngayon ay nagpapakondisyon na siya bilang pagsubok na masungkit ang kanyang kauna-unahang kampeonato sa Philippine Cup.

“So far, everyone is healthy. ‘Yung wind, kailangan pa ma-improve. Hindi pa kundisyon ‘yung iba. Ako hinihingal pa ako sa takbuhan. We have a lot of catching up to do in terms of conditioning at saka ‘yung chemistry namin,” aniya pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?