2,225

By

Agot, senatorial candidate Hilbay magdyowa na!

Umamin si singer-actress Agot Isidro na may relasyon sila ni Otso Diretso senatorial candidate Pilo Hilbay.

Sa panayam kay Agot sa radio program na “ALL KAPS, Oh Well, It’s Noel Ferrer”, sinabi ni Agot na hindi pa naman ganoon katagal ang kanilang relasyon.

Nahulog umano ang loob nila sa isa’t isa sa mga meeting bago nagsimula ang campaign period pero matagal na umano silang magkakilala ni Hilbay.

Mula noon ay madalas na umano silang magkita at nagkapalagayan ng loob dahil nirerespeto nila ang bawat isa.

Unang ikinasal si Agot kay Manu Sandejas noong 2000 pero makalipas ang sampung taon ay naghiwalay sila at hindi nagbunga ang kanilang pagmamahalan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?