1,578

By

Agot pinutakti ng mga netizen matapos magpakita ng likod si Bong Go

Dinumog ng reply ng mga Die-hard Duterte Supporter (DDS) si actress Agot Isidro matapos nitong mag-tweet ng pakiusap sa DDS na kumbinsihin umano sina Bong Go at Paolo Duterte na ipakita ang kanilang likod para mapahiya silang mga “Dilawan”.

Nitong Miyerkoles ay sinagot ni Go ang hamon ni Agot at nagpakita na ng kanyang likod para patotohanan na wala siyang dragon tattoo at code name.

“Dear DDS, Convince nyo naman si Bong Go at si Polong to show their backs (upper and lower) para mapahiya kami once and for all,” saad ni Agot.

Dahil sa ginawa ni Go ay “napahiya” na umano si Agot, ayon sa mga netizen.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?