2,295

Apr 27, 2019 @ 18:25
By

Agot kinilig nang ipagmalaking ‘girlfriend’ ni Hilbay

Hiyawan ang audience na sumaksi sa ginawang senatorial debate sa CNN Philippines nang tawaging “girlfriend” si Agot Isidro ni Pilo Hilbay.

Tinanong kasi si Hilbay kung mayroon ba itong katangian na hinahanap ng mga tao sa isang public official.

“Si Pilo Hilbay ba ay mapagkakatiwalaan at tapat? Kung pwede lang tanungin ang girlfriend kong si Agot Isidro, pwede na sana,” sabi ng senatorial candidate.

Ipinokus ang camera kay Agot matapos itong sabihin ni Hilbay at todo ngiti ang aktres sa sinabing ito ng kasintahan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?