539

Feb 19, 2020 @ 13:56
By

Agot kay Bato: Hindi ka dapat nag-senador!

Binanatan ng aktres na si Agot Isidro si Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa matapos sabihin nitong handang samahan ng mambabatas si Pangulong Rodrigo Duterte hanggang kamatayan.

Ayon kay Agot, dapat ay ang Pilipinas muna ang iniisip ni Bato at hindi dapat tumakbong senador kung bias sa iisang tao.

“Sir, allegiance to country first! Dapat di kayo nag-senador kung biased kayo,” ayon kay Agot.

“Nakakapanlumo. Paano na, Pilipinas. Tayo-tayo lang ito,” aniya pa.

Matatandaan na sinabi ni Bato nitong Martes na inaming bias siya kay Duterte dahil pareho umano ang kanilang paniniwala, pati na sa pagharang sa ABS-CBN franchise renewal.

“Ako, I will live and die with President Duterte. I will sink and swim with him,” saad ni Bato.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?