41

Agot Isidro: Mga physical store mauubos na

“I predict death of physical stores in near future. Happening in the US na.”

Nagtaka si Agot Isidro dahil kakaunti ang namimili sa maraming retail store sa SM Megamall.

“Either walang pera ang tao or everyone is shopping online (11.11),” tweet ni Agot, gabi ng Nobyembre 10, 2019.

“Don’t know how these retail stores are surviving. H&M & Zara (selling online), only handful, Uniqlo mej matao,” obserbasyon pa niya.

Prediction ni Isidro, malapit nang ma-extinct ang mga pisikal na tindahan, gaya ng nangyayari umano ngayon sa Amerika.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?