406

Mar 26, 2020 @ 17:08
By

Agot binanatan si Pimentel: Magpapaawa ka ngayon?

Binatikos ni actress Agot Isidro si Senador Koko Pimentel dahil sa paglabag sa home quarantine matapos niyang magpositibo sa COVID-19.

Prangkahang nag-comment ang aktres sa isang ulat kung saan humihingi ng pang-unawa si Pimentel matapos sumuway sa quarantine.

“Your privilege discriminated other people from taking the test. You knew you were at risk!” panimula ni Agot sa tweet.

“Sumusunod kami sa patakaran. Senador ka, kayo ang gumagawa ng mga patakaran. At magpapaawa ka ngayon? Wag kami, Koko. Wag ngayon,” dagdag niya.

Matatandaang inulan ng kritisismo si Pimentel noong Marso 25 nang samahan ang buntis na asawang si Kathryna sa Makati Medical Center (MMC) sa kabila na naka-home quarantine siya habang naghihintay ng resulta ng kanyang COVID-19 test.

Noong nasa ospital na, ipinabatid kay Pimentel ng RITM na positibo siya sa COVID-19.

Kinadismaya ng MMC ang “irresponsible at reckless” actions ng senador.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?