25
ABANTE press freedom bloggers
By

Agosto 30 isinusulong na maging Nat’l Responsible Press Freedom Day

Nais nina Senador Bam Aquino at Senador Sherwin Gatchalian na maging ‘National Responsible Press Freedom Day’ tuwing Agosto 30.

Sa Senate Bill No. 2040 ni Aquino at 2042 ni Gatchalian, pinili ang nabanggit na petsa dahil ito ang kapanganakan ni Marcelo H. De Pilar, ang itinuturing na Father of Philippine Journalism at isa sa mga bayani ng bansa.

Sinabi ng dalawang senador na karapat-dapat itong pagkilala sa itinuturing din na ‘Great Propagandist’ at ‘Mastermind of Filipino Revolution’ o Utak ng Himagsikan.

Ayon kay Gatchalian, magiging paalala ito na pahalagahan ang kalayaan ng pamamahayag

“If favorably passed into law, it will remind us of the patriotic deeds of Del Pilar and inspire people to emulate his example of selfless service, exceptional courage and leadership that gave hope to our Motherland during a critical time in our country’s history,” sabi ni Gatchalian.

Ayon naman kay Aquino, magiging paalala ito na sa panahon ng panggigipit at pag-abuso, ang mga mamamahayag ang magpapalakas ng boses ng publiko.

Idiniin na kailangan ito ngayong panahon ng fake news.

“A fearless, free and objective press is especially important during these times fraught with alternative facts and misinformation,” pahayag ni Aquino.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?