712
Ageless beauty ni Sunshine Cruz, hinangaan ng mga netizen
By

Ageless beauty ni Sunshine Cruz, hinangaan ng mga netizen

Parang bampira at wine, ganito inilarawan ng mga netizen ang latest post ni Sunshine Cruz sa kanyang Instagram noong March 4.

Ibinahagi ni Sunshine sa kanyang mga follower ang litrato niya noong 18-anyos pa lang siya.

Aniya, napakabilis umano ng panahon dahil sa September 2019 ay magkakaroon na siya ng 18 taong gulang na anak na si Angelina.

“Taken during my 18th birthday celebration. How time flies! In September may anak na ako na mag-18!” saad ni Sunshine sa caption.

Marami naman ang pumuri sa ganda ni Sunshine, ang iba ay sinabing parang hindi naman nagbago ang itsura nito ngayon.

Briyaanfeyy: Gorgeous as always walang pagbabago.

Angelbellhermano: You’re ageless and beautiful as ever, you just look like your daughters sister.

Iamhoneyroseh: Ageless and evergreen.

Lucybeth_lualhati: Mommy Sunshine, bakit ang ganda ganda mo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?