214

By

Agawan kay Kawhi: Clippers out; Lakers, Raptors in

Anong koponan ang seswertihing mapili ni last year’s NBA Finals MVP Kawhi Leonard?

Ayon kay FoxSports analyst Chris Broussard, tanging LA Lakers at Toronto Raptors na lang ang natitira sa Kawhi lottery.

Saad niya, naging solido ang meeting ng kampo ni ‘The Klaw’ sa Toronto, isa sa mga sumama ay si Drake na nangako ng record label deal na siguradong magpapasok ng malaking pera sa manlalaro.

Ngunit hindi pa rin makapagdesisyon, may pagkakataong bumuo ng dinastiya sa Lakers kapag sumapi kina LeBron James at Anthony Davis.

Hanggang ngayon ay tinitimbang pa ng two-time NBA champion kung ano ang mas matimbang sa kanya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?