35

By

Aga type mapasama sa ‘Ang Probinsyano’

Matagal-tagal rin ang panahon bago muling sumabak sa pelikula si Aga Muhlach.

Ngayong taon ay dalawang pelikula na ang pinagbidahan niya.

Una ay ang “Nuuk” na showing ngayon at isang pang-MMFF movie.

Ngayong ramdam na ang presensya ni Aga sa mga pelikulang lokal, kailan naman kaya siya muling masisilayan sa telebisyon?

Sa isang panayam, sinabi niya na bukas siya sa mga proyekto sa telebisyon. Aniya, “Honestly, I really want to try. Let’s see, sana.”

Naghihintay lang din umano siya sa tamang proyekto para sa kanya. Dagdag pa niya, “But I mean sa buong buhay ko, masusubukan ko naman ‘yun… soon! Naghihintay lang ako na may mag-offer.”

Aminado rin ang aktor na mapili siya sa mga proyektong gagawin niya.

Aniya, “Hindi naman ako magiging plastic. Oo naman, medyo mapili talaga, pinipili ko ang gagawin ko siyempre at this point in time, kahit naman noon pa, even when they offering me soap in TV! Pinipili ko talaga.”

Pero kung mayroon man siyang teleseryeng nais gawin, iyon ay ang maging guest sa “FPJ’s Ang Probinsyano”.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?