84

By

AFP kalma muna: ‘di pa aarestuhin si Trillanes

Sa kabila ng desisyon ng Korte Suprema na ‘wag gawaran ng temporary restraining order si Trillanes laban sa Proclamation 572 ni Pangulong Rodrigo Duterte, tiniyak ng Department of National Defense na hindi aarestuhin ng Armed Forces of the Philippines (AFP) si Senator Antonio Trillanes IV.

Ayon kay Defense Sec. Delfin Lorenzana susundin nila ang utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi dapat arestuhin si Trillanes ng walang warrant of arrest na ipinalalabas ang korte.

“’Di ba sabi ni Presidente no warrant, no arrest? We will do nothing in the meantime,” ang text message ni Lorenzana.

Nang mapawalang bisa ang amnestiya ni Trillanes dahil sa proklamasyon ni Pangulong Duterte, kasunod na nito ang pahayag ng AFP na maaring malitis sa court martial ang senador.

Katunayan, sinimulan nang buuin ang military tribunal na lilitis kay Trillanes bunga ng pamumuno nito sa Oakwood Mutiny at Manila Pen Siege.

Sinabayan pa ito ng pagpapadala at pagbabantay ng mga sundalo sa paligid ng Senado kung saan nanatili na si Trillanes simula noong Setyembre 4.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?