76

By

Advanced mag-isip! Condom kasama sa pinamigay na relief goods sa CamSur

Proud na kinwento ng isang lalaki na tumanggap ang mga nasalanta ng Bagyong “Tisoy” sa bayan ng Milaor, Camarines Sur ng relief goods na may kalakip na contraceptives.

Pinuri ni netizen Raymart San Jose ang lokal na gobyerno ng Milaor na pinromote umano ang family planning at HIV awareness sa mga pinamigay na mga condom para sa mga lalaki, at pills para sa mga babae.

“Flex ko lang ang Local Government Unit of MILAOR, Camarines Sur in promoting Family Planning and HIV Awareness through the distribution of Relief Goods to the victims of Typhoon #TisoyPH na may kasamang Condoms other relief packs contains contraceptive pills. 🤣,” sambit ng netizen.

“Kudos to Mayor Anthony Lahbas Reyes advance mag isip.😄,” wika pa niya.

Kwento ni Reyes, ang paglalagay ng contraceptives ay batay sa mungkahi ng kanilang public doctor.

“Kinausap ko si doktora, sabi ko, ‘Doc, anong magandang isama sa relief?’ ‘Tamang-tama, ano anya Mayor, lagyan natin ng condom.’ Sabi ko bakit condom? Ang sabi niya sa’kin ang condom, pills sa relief nandiyan ‘yan sa Magna Carta of Women at reproductive health law,” ani Reyes sa ABS-CBN News.

Nasa 460 pamilya ang nakatanggap ng relief goods na may contraceptives.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?