137
‘Adopted brother’ ni Durant, niratrat sa birthday
By

‘Adopted brother’ ni Durant, niratrat sa birthday

Nagdalamhati ang pamilya ni Golden State Warriors star Kevin Durant sa pagpaslang kay Cliff Dixon, kilalang close friend ng NBA player, sa birthday celebration nito sa Atlanta.

Binaril si Dixon sa labas ng mall, naisugod pa sa Grady Memorial Hospital ngunit kinalaunan ay yumao din.

Ayon sa awtoridad, kakarating lang ni Dixon para sana sa 32nd birthday celebration nito sa isang night club ngunit sa parking lot ay niratrat na ito.

Sa Twitter post ng nanay ni Durant na si Wanda, ipinaabot nito ang pakikiramay sa pamilya ni Dixon.

Sina Dixon at Durant ay magkaibigan mula pa noong high school, naglaro para sa Suitland HS noong nasa Maryland pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?