38

By

Adobe nagbabala sa paggamit ng lumang bersyon ng Photoshop

Hindi na maaaring gamitin ng mga user ang “old version” ng mga Creative Cloud application ng Adobe gaya ng Photoshop at Premiere.

Nagsimula na umanong magpadala ang Adobe management ng mga sulat sa kanilang mga subscriber via email para paalalahanan ang mga ito na hindi na sila lisensyadong gumamit ng Photoshop, Lightroom Classic, Premiere, Animate at Media Director.

Maaari umanong kasuhan ang lalabag sa kanilang kautusan.

Isang Twitter user na si Matt Roszak ang nagbahagi ng kopya ng ipinadalang sulat ng Adobe sa kaniya.

“We have recently discontinued certain older versions of Creative Cloud applications and a result, under the terms of our agreement, you are no longer licensed to use them. Please be aware that should you continue to use the discontinued version(s), you may be at risk of potential claims of infringement by third parties,” saad sa email ng kumpanya.

Ayon sa mga ulat, ang hakbang umano ay dahil sa “ongoing litigation”.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?