43

Adele tuloy-tuloy ang pagpayat

Namataang naglalakad ang pumayat na si Adele sa Los Angeles.

Noong Miyerkoles sa Amerika, Pebrero 12, suot ng 31-anyos na singer ang kanyang itim na workout outfit: fitted long-sleeve, leggings, at sneakers.

Ito, matapos mamataan si Adele na naka-sequin leopard-print dress sa 2020 Oscars after-party nina JAY-Z at Beyonce, Linggo.

Unang napansin ng mga fan ang pagpayat ng “Someone Like You” singer sa Instagram post niya noong Oktubre 2019 na binabati si Drake sa kaarawan nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?