1,133

By

Address ni Bela Padilla, tsinismis ng Grab driver

Nagreklamo ang aktres na si Bela Padilla dahil sa ginawang pagsasapubliko ng address niya ng isang Grab driver.

Sa Twitter, nilahad ni Bela ang masamang karanasan sa Grab ng makaabot sa kanya ang pagbunyag ng Grab driver sa radio ng kanyang address.

“Rode grab today and the driver announced on the grab radio where I live. Hello @grabph this can’t possibly be right,” ayon kay Bela.

Tumugon naman ang Grab, kinondena ang nangyari at iimbestigahan ang nasabing insidente.

“Hi Bela! We’re so sorry to hear about your experience 🙁 This incident shouldn’t have happened since we value every passenger’s safety and privacy. We sent you a DM to help move our investigation forward. Thank you!” saad sa reply ni Grab.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?