46

By

Adams kandado na sa Dyip

Hindi na pinagtagal ng Columbian Dyip, itinali agad sa maximum deal ang top rookie pick nilang Roosevelt Adams.

Unang tinawag ang pangalan ng Fil-Am sa regular draft nitong Linggo sa Robinsons Place-Manila.

Dalawang taon ang binigay ng Dyip sa 25-anyos na recruit, may option para mapahaba sa tatlo.

Nagkapirmahan na ng kontrata pero hindi inihayag ang terms.

Kung kasama na ang bagong batch ng rookies sa bagong napagkasunduang rule ng liga, tatanggap ng P200,000 bawat buwan sa una niyang taon si Adams.

Opisyal nang nagkaroon ng dancing partner sa Dyip ang top rookie ding si CJ Perez.

Nitong Biyernes din, nakalawit ng Columbian si Aldrech Ramos mula Magnolia kapalit ni wingman Jackson Corpuz. Hindi na raw ni-renew ng Dyip ang kontrata ni JayR Reyes kaya naghanap ng veteran big man.

Parehong scorers sina Perez at Adams, parehong kayang mag-create kapag hawak ang bola.

“I think we’ll gonna have a great relationship,” anang 6-foot-5 na si Adams sa bagong ka-tandem.

“He’s a great player and I’ve been watching some of his games from last season. Very explosive, young. We’re gonna have a great relationship on and off the court.”

Tatlo na sina Perez, Rashawn McCarthy at Adams sa pangharabas ng Dyip.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?