114

By

Adalem, Aguilar panauhin sa TOPS Usapang Sports

Tatalakayin sa 27th “Usapang Sports” ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) ang mga sports na beach handball at wrestling na tampok din sa 30th Southeast Asian Games sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11 sa bansa.

Guest para sa weekly sports forum na gaganapin sa National Press Club sina Philippine Handball Federation secretary-general Dr. Ernesto Jay Adalem at Wrestling Association of the Philippines president Alvin Aguilar upang talakayin ang tsansa ng national team sa SEA Games.

Parehas priority ng Philippine Olympic Committee (POC) at Philippine Sports Commission (PSC) ang handball at wrestling dahil kabilang ito sa mga nilalaro sa Asian Games at Olympics.

Bukod sa dalawa, bibida rin sa forum ang mga officials ng Omni Football Cup: Fight to the Finish at Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) team Basilan Steel.

Kasama ang PSC, National Press Club, PAGCOR, Community Basketball Association at HG Guyabano Tea Leaf Drinks, a-attend din sina Omni Football Cup organizers Henry Yang, Albert Alde, Kevin James Olayvar at marketing head Miko Diga at Basilan coach Jerson Cabiltes at team manager Jackson Chua.

Iniimbitahan ni TOPS president Ed Andaya ng People’s Tonight ang mga officers at members ng TOPS na dumalo sa sports session.

Mapapanood naman ang forum sa Facebook live via Glitter Livestream ni actor-director Carlo Maceda.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?