12

By

ACL injury magaling na, Cansino babandera sa UST

Balik tikas na si CJ Cansino at ang UST Growling Tigers para sa nalalapit na UAAP Season 82 men’s basketball tournament.

Maaalalang nagtamo si Cansino ng ACL injury noong nakaraang season ngunit ngayon ay handa na ang mga itong rumesbak.

“Naglalaro na siya, actually. Almost two or three weeks na nga siya nagpa-practice,” pahayag ni UST head coach Aldin Ayo.

“We made sure na pagbalik niya, full blast na lahat. We made sure na pagbalik niya, he’s really ready to play,” saad pa nito.

Bago ang kanyang ACL tear, uma-average si Cansino ng 12.8 points per game, 10.3 rebounds per game, 3.6 assists per game at may 44 field goal percentage.

Ibinahagi rin ni coach Ayo na si 19-year-old Cansino na rin ang magiging team captain ng Growling Tigers para sa Season 82.

“Siya lang ang sophomore na captain ball,” sabi ng coach.

“We have a lot of leaders like si Renzo [Subido], si Enrique [Caunan], si Zach Huang who’s the co-captain, pero si CJ, buo na ‘yung batang ‘yun.”

“Although he’s a sophomore, ‘yung respeto sa kanya ng team, nandoon na and I have no doubt he can lead us,” patuloy ni Ayo.

Masaya naman si Cansino sa oportunidad na binigay sa kanya ni coach Ayo.

“Una sa lahat, siyempre masaya ako kasi binigyan ako ni coach ng responsibility na maging team captain kahit sophomore pa lang ako, pero at the same time, binigyan niya ako ng confidence dahil sa dami ng players, ako pa ‘yung napili niya,” kwento ni Cansino.

Unang makakaharap ng UST Growling Tigers ang UE Red Warriors sa darating na Setyembre 4, alas-10:30 ng umaga sa Smart Araneta Coliseum.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?