23

By

Abueva, Perkins, Wright hindi ‘for sale’ ng Phoenix

Siniguro ni Phoenix coach Louie Alas na hindi maite-trade sina Jason Perkins, Matthew Wright at kahit ang suspendido pang si Calvin Abueva.

Inamin ni Alas na may feelers ang ilang teams na naglalawit ng trade bago pa ang PBA Governors Cup.

Natapos na ang deadline ng trade noong Nov. 6, hindi nagalaw sina Perkins at Wright.

Sa kabilang banda, indefinite ang suspension na ipinataw kay Abueva kaya wala pang kasiguruhan kung kailan ito makakabalik. Ganun pa man, wala siyang balak ipamigay ng Fuel Masters.

“Basta sinabi na ng management, at ako rin before, na not for sale ‘yung dalawa along with Calvin,” giit ng coach pagkatapos ng 97-81 loss ng Fuel Masters sa Magnolia Miyerkoles ng gabi sa Cuneta Astrodome.

“Sila ‘yung Big 3 namin and we will not entertain any offer for them.”

Hindi ibinunyag ng coach kung aling team ang nagpahayag ng kahandaang makipag-trade, pero agad binaril ng Fuel Masters.

Isang hiwalay na source naman ang nagsabi na Alaska ang nag-offer, handang ipalit sina Vic Manuel at Chris Banchero para kina Perkins at Wright. Pero wala na sa Aces si Banchero, nai-trade sa Magnolia para kina Rob Herndon at Rodney Brondial.

Dalawa pa lang sa siyam na laro ang naipanalo ng Phoenix, kabuhol ang Rain or Shine sa 10th-11th.

Numinipis na ang tsansa ng Fuel Masters na mapasama sa top eight na uusad sa quarterfinals. Kailangan nilang ipanalo ang huling dalawang laro sa eliminations kontra Alaska at Blackwater sa isang linggo at umasa na wala nang makakahigit sa apat na panalo sa iba pang teams na kagawan sa last slot.

Babasagin via quotient kapag may multiple ties sa eighth at last quarters berth, o kaya ay one-game playoff

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?