39

By

Abu Sayyaf todas sa bakbakan sa Sulu

Tumba sa 20-minutong engkuwentro sa militar ang isang miyembro ng Abu Sayyaf Group sa bayan ng Patikul, Sulu noong Martes ng umaga.

Kinilala ni Western Mindanao Command spokesperson Major Arvin John Encinas ang nasawi na si Nanz Sawadjaan, nakababatang kapatid ni Abu Sayyaf sub-leader Hatib Hajan Sawadjaan.

Nagsasagawa umano ang 41st Infantry Battalion ng operasyon nang makasagupa ang nasa 40 Abu Sayyaf na nasa ilalim nina sub-leader Almujer Yadah, Ben Tattoh at Apo Mike sa Sitio Tubig Pansol sa Barangay Langhub.

Bukod sa wala nang buhay na si Sawadjaan, narekober din ng militar ang isang AK47 assault rifle.

Samantala, tatlong sundalo naman ang sugatan sa engkuwentro at nagpapagaling sa Camp Teodulfo Bautista Station Hospital sa Jolo, Sulu.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?