92

By

Absentee voting, simula na ngayong araw

Magsisimula ngayong Lunes ang tatlong araw na local absentee voting (LAV) ng Commission on Elections (Comelec) para sa mga botanteng opisyal at empleyado ng gobyerno, kabilang ang mga miyembro ng media, na inaasahang naka-duty sa araw ng halalan sa Mayo 13.

Sa ilalim ng Comelec Resolution 10443, itinakda ang Abril 29 hanggang Mayo 1 para maagang maka­boto ang mga opisyal at empleyado ng gobyerno na may gagampanang trabaho sa eleksyon.

Dahil nasa heightened alert ang buong pwersa ng pulisya sa mismong araw ng halalan sa May 13 kaya binigyan sila ng pagkakataon na bumoto bago pa man ang nasabing petsa.

Sa pamamagitan ng absentee voting ay mabibigyan ng pagkakataon ang mga kawani ng pamahalaan kasama na rin ang ilan sa pribadong sektor na makaboto ng mas maaga sa nakatakdang araw ng halalan.

Kabilang sa mga pinayagan ng Comelec ang mga pulis na nakatalaga sa National Capital Regional Police Office (NCRPO) at Camp Crame na magiging katuwang ng komisyon sa pagtiyak ng kaligtasan ng mga botante.

Kailangan lang tiyakin ng mga ito na nakapagsumite sila ng application form hanggang noong Marso 11, 2019 para matamasa ang pribilehiyo ng LAV.

Magsisimula ang LAV ng alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon sa nasabing mga araw.

Gayunman, ang mga maaari lang na iboto sa LAV ay ang 12 senador at partylist group.

Ang mga maaring bumoto ay yung mga nakapagpasa na ng application forms para sa LAV na naisumite hanggang noong Marso 11, 2019.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?