54

By

Absent ulit sa practice! Standhardinger may sariling mundo sa NorthPort

Pangalawang araw nang hindi um-attend sa practice ang bagong sungkit ng NorthPort na si Fil-German forward na si Christian Standhardinger.

Huwebes ng umaga ay hindi nasilayan si Standhardinger sa ensayo ng koponan, ngunit ayon sa report ng ESPN5 ay nagpakita na sa NorthPort squad ang 2017 top pick noong Miyerkoles.

Naging maganda naman ang impresyon ng mga teammate ni Standhardinger sa kanya kahit pa tila mahiyain ito sa kanyang unang kita sa team.

Saad ni Robert Bolick, inaasahan niya na sa mga susunod na araw ay magiging makulit na rin ang dating San Miguel forward.

Aniya pa, magiging maganda ang takbo ng koponan ngayong nasa kanila na si Standhardinger ngayon meron na silang legitimate bigman.

Saad pa sa report ng ESPN5, isang source ang nagsabi na tila may sarili umanong mundo si Standhardinger ngunit ito lang talaga ang personalidad ng manlalaro.

Ngunit nanatili umano itong mabait sa mga bagong teammate at staff.

Inaaasahan na sa Biyernes pa babalik si Standhardinger sa practice ng NorthPort.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?