58

Feb 18, 2020 @ 19:42
By

ABS-CBN pinagkokomento sa gag order motion ni Calida

Inatasan ng Korte Suprema ang ABS-CBN Corporation at ABS-CBN Convergence Inc. na magsumite ng kani-kanilang komento sa inihaing gag order motion ni Solicitor General Jose Calida para mapahinto ang TV network na magsalita pa sa kaso ng prangkisa nito.

Binigyan ang ABS-CBN ng limang araw para magkomento.

Nitong Martes, hiniling ni Calida sa Supreme Court na mag-isyu ng gag order laban sa pagsasalita ng ABS-CBN at mga kinatawan nito sa quo warranto case na inihain niya sa TV network.

Giit ni Calida, paglabag sa sub judice rule ang paglalabas ng statement ng ABS-CBN tungkol sa kanyang quo warranto case.

Ang sub judice rule ay nagbabawal sa sinuman na talakayin sa publiko ang ongoing case para maiwasan ang pre-judgment dito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?