681

Feb 18, 2020 @ 12:39
By

ABS-CBN pinaaawat magkomento! Gag order hiniling ni Calida sa SC

Nakiusap si Solicitor General Jose Calida sa Korte Suprema na maglabas ng gag order upang pigilan ang ABS-CBN at mga representative nito na pag-usapan in public ang quo warranto petition na sinampa niya laban sa TV network.

Ngayong Martes, Pebrero 18, 2020, naghain ng “very urgent motion” si Calida na hinihinging mag-isyu ang SC ng isang utos na pagbabawalan ang “parties and persons acting on their behalf” sa paglalabas ng mga pahayag ukol sa petisyon niyang ipawalang-bisa ang kasalukuyang prangkisa ng ABS-CBN.

Paglabag aniya ito ng “sub judice rule,” na pinagbabawalan ang sinuman na siyasatin in public ang isang nagpapatuloy na kaso para makaiwas sa pre-judgment o paunang hatol.

Lunes ng umaga, Pebrero 10, 2020, naghain si Calida sa SC ng isang “very urgent omnibus motion” para ipawalang-bisa na ang legislative franchise ng ABS-CBN, na umano’y nagsasagawa ng “abusive practices” at lumabag sa mga patakaran sa prangkisa.

Inakusahan ng Solicitor General na “nakikibahagi sa propaganda” ang broadcast media.

Sinaad niya ang Pebrero 14 video na pinamagatang “Quo warranto vs. ABS-CBN, ano ang ibig sabihin?,” dalawa pang video, serye ng mga komentaryo na nilabas sa website ng ABS-CBN, maging mga artikulo na tungkol sa pahayag ng suporta ng mga Pinoy celebrities para sa ABS-CBN.

“[These would] tend to influence public opinion and unfairly encourage the pre-judgment of the instant case,” hayag ni Calida sa panibagong mosyon.

Na-offend din si Calida sa mga nilabas na pahayag ng ABS-CBN na naninindigang wala itong nilabag na batas at walang outstanding tax liability sa gobyerno.

“Verily, inasmuch as ABS-CBN unquestionably directed its statements on the merits of the quo warranto case to influence the public and members of this Honorable Court, this Honorable Court must issue an order prohibiting the parties and persons acting on their behalf from releasing any statements discussing the merits of the subject petition,” wika ng SolGen.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?